top of page

Click here for more Filipino Worksheets

Ang panghalip ay ang salitang pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit". 

Ang panghalip ay may limang (5) uri:

1. Panghalip Panao

Ang panghalip na panao (personal pronoun). Ito ay panghalili

o pamalit sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang

simuno at tagaganap.​

Ito ay maaring isahan or maramihan.

Isahan: ikaw, siya, ako

Maramihan: Sila, sina, kayo, tayo, kami

2. Panghalip na Paari

Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.

Isahan: akin, iyo, kanya

Maramiha, kanila, atin, amin, inyo

3. Panghalip na Pananong 

Ang panghalip pananong ay ang tinatawag na interrogative pronoun sa Ingles or English. Ito ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. 

Mga Halimbawa:

Tao: sino

Bagay: ano

Bilang: ilan

Halaga: Magkano

Bagay na Pipiliin: Alin

Sukat: Gaano

Pag-mamayari: Kanino

4.Panghalip Panaklaw

Ito ay ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay ginagamit na pamalit sa mga salitang sumasaklaw or nagpapahiwating ng pagsakop.

Halimbawa: Lahat, madla, sinuman, aliman

5. Panghalip Pamatlig

Ito ay ginagamit sa mga bagay na itinuturo.

Halimbawa:

Ito, ayun, dito, doon, ganyan, ganoon, dyan

Maghinsayo gumamit ng wastong panhalip sa papamagitan ng mga worksheets na ito:

bottom of page