Uri ng Pangungusap - Patanong at Padamdam
Pangungusap na Patanong – pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa: Sino ang nagregalo kay Anna?
Ano ang natanggap na regalo ni Anna?
Pangungusap na Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagsisimula ito sa malaking titik at gumagamit ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Wow! Ang gandang laruan niyan!
Naku! Nasira ang laruan mo!
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson