Uri ng Pangungusap - Pasalaysay at Pautos o Pakiusap
Uri ng Pangungusap
(Pasalaysay at Pautos o Pakiusap)
Pangungusap na Pasalaysay – pangungusap na nagsasalaysay o nagsasabi tungkol sa isang kaisipan. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tuldok (.) .
Halimbawa: Mahalaga ang gulay sa ating katawan.
Ang magsasaka ang nagtatanim ng gulay.
Pangungusap na Pautos o Pakiusap – pangungusap na nag-uutos o nakikiusap. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tuldok (.) o tandang pananong (?).
*Ang pangungusap na nag-uutos ay nagtatapos sa bantas
na tuldok (.) dahil ito ay nagsasabi ng dapat gawin.
*Ang pangungusap na nakikiusap ay nagtatapos naman sa
bantas na tandang pananong (?) dahil ito ay gumagamit ng
mga salitang nakikiusap tulad ng puwede ba o maaari ba.
Halimbawa: Kailangan mong ubusin ang iyong kanin at gulay.
Maaari mo bang ubusin ang iyong pagkain?
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson