Pandiwa
Ang pandiwa ay isang salita na nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayari, o isang katayuan. Tinatawag
ito na verb sa wikang Ingles.
Halimbawa:
nagsasayaw
alis
magsulat
mahalin
ginagamot
kakanta
kain
Magbasa tayo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Nagsasayaw ang mga bata sa entablado.
Kumain ng karot ang kuneho.
Ang aso ay tumakbo palabas ng bahay.
Natutulog ang aking pusa.
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson