Kayarian ng Mga Salita
Kayarian ng mga Salita
May apat (4) na kayarian ang mga salita.
Payak – mga salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at hindi itinatambal sa ibang salita.
Halimbawa: bayan burol dagat
Maylapi – mga salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang mga panlapi. Ang panlapi ay mga pantig na idinurugtong sa mga salitang-ugat.
Halimbawa: ma + ganda = maganda
pasyal + an = pasyalan
Inuulit – mga salitang may pag-uulit ng isang bahagi o ng buong salita.
Halimbawa: magandang – maganda
malinis – linis
Tambalan - mga salitang binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita.
Halimbawa: kapit + bahay = kapitbahay
bahag + hari = bahaghari
Click here for FREE practice sheets
Download and Print This Lesson